dont walk in front of me,
i may not follow..
dont walk behind me,
i may not lead..
walk beside me,
and just be my friend.....
simula nang iwan mo ako
di na ako ulit umibig
palagi na lang kita naaalala
sinubukan kung palitan ka
ngunit di nagtagal haghiwalay rin kami..
bakit hindi pwede??
kailangan bang isipin ang sasabihin ng ibang tao??
kailangan pang magbulag-bulagan tayo
para lang makagalaw sa masikip na mundong ito??
bakit??bakit??
masakit isipin na ang tao ay masyadong mapanghusga
sa kanilang nakikita...
kailan ba matatanggap ng tao na ang pagmamahal ay hindi lang
para sa babae at lalake...
na para rin naman sa dalawang taong tunay na nagmamahalan..
maaring lalake sa lalake at babae sa babae..
alam ko na ito ay mali..
paano kung sya lamang ang taong
nakakaintindi, nakakaunawa , at nakakapagpasaya..
mahirap man gawin subalit patuloy kong ginawa
dahil dito ako masaya....
dito lamang ako nakakadama ng kalayaan..
kalayaan na ipalabas ang tunay na nararamdaman...
mali man...
ngunit sya lang ang nagmamahal at
nagturo na magmahal sa akin....
ang taong mahilig mag-isa ay uhaw sa pagmamahal
at sya lamang ang pumupuna sa mga kulang sa buhay
ko at nagpapanatiling makulay ang buhay ko...
nawala sya dahil sa mga taong hindi marunog umuntindi
ng nararamdaman ng iba...
napilitan kaming tapusin ang namamagitan...
simula nun hiniling ko na sana ay umulan sa tuwing ako ay nakakaramdam
ng anumang kalungkutan..
buhay nga naman punong-puno ng diskriminasyon...
diskriminasyon na pumuputol sa kaligayahan ng tao...
ang batas ng buhay na kailangan sundin kahit pa
ang kapalit ay kaligayahan ng tao...
habang buhay ko na lang ba susuwayin ang batas na ito
upang makaranas ng kasiyahan at pagmamahal??
ikaw alam mo naman siguro ang sinasabi ko...
alam mo na rin ang gusto kong mangyari...
Wednesday, September 23, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment