Wednesday, September 30, 2009

tama o mali?

napapagod na ako...
pero patuloy ko pa rin ginawa dahil doon ako masaya...
mahal ko sya, mahal nya ay iba...

di ko masabi na mahal kita dahil ayoko pang umasa na mahalin mo ako...
di ko masabi na dyan ka lang, sino ba ako para pigilan ka...
di ko malaman ang dapat kong maramdaman dahil nalilito pa rin ako...

lagi ko lang nilalagay sa di tamang salita ang aking nararamdaman...
kahit hindi tugma ay patuloy pa rin para lang maintindihan at may makausap...
nagtatago sa tunay na nararamdaman dahil natatakot na mawala ka....


tama bang magmahal sa taong di mo pa talagang kilala??
mali ba na napamahal ka dahil sya ang nagpapasaaya sayo??
tama ba na sabihin lahat ng nararamdaman mo para sa kanya??

mahirap mag desisyon lalo na pati ang puso ay nagdidikta...
pagmamahal na bawal sa batas ng tao...
pagmamahal sa bumabago sa buhay ko at sa buhay ng ibang tao...
pagmamahal na di pa tuloyang natatanggap ng tao...
at pagmamahal na kayang ipaglaban kahit kalaban ay realidad..

No comments:

Post a Comment